
Matapos ang napaka-successful na programang pinagbidahan ng aking/ating pinakamamahal na Kapuso Star na si Marian Rivera na pinamagatang "ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG", meron agad binigay na lead role ang GMA Network kay Ms. Marian, at ito nga ang DARNA.
Nang unang pumutok ang balitang siya nga ang bagong DARNA, maraming nagulat, bagkus ay natuwa sa desisyon ng GMA. Dahil talaga namang deserving itong si Ate Marian sa role na iyon. Kumpirmado na rin na ang kanyang makakatambal at gaganap sa role na EDUARDO ay walang iba kundi si Mark Anthony Fernandez. Ang gaganap naman sa role na DING ay walang iba kundi si Robert "Buboy" Villar. Matatandaan natin na nagsama na rin si Ate Marian at Buboy sa iisang programa --- ang Dyesebel. Pumatok naman sa panlasa ng tao ang tandem nilang dalawa. Kaya naman malakas ang loob kong sabihin na magiging no.1 nanaman ang programang ito ng GMA --- ang Darna..
Napabalita rin na isa si Dingdong Dantes sa mga personal trainor ni Marian sa mga stunts at fight scenes nito sa Darna.
Sa tindig pa lamang ng ating bida, masasabi na natin agad na, "HUMANDA ANG TATAPAT SA DARNA"..hAhAhA.. pEace!!!
Basta mga kapwa ko Kapuso, abangan na lang po natin ang paglipad ng ating bagong Darna. Sa Agosto na po iyan..
I'M PROUD 2 BE KAPUSO!!♥♥♥
LOVE U ATE MARIAN.,....

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.