Friday, November 27, 2009

hmm .. phinga muna ..

ei guys .. psensya pu kng ndi na ku nkakapag post ha .. neks taym nlang pu ulet pag ndi na ku bc .. hehe
graduating kase ,, :)
cge ho ... til nekx taym .,,.

Saturday, June 27, 2009

Marian Rivera bilang bagong "DARNA"


Matapos ang napaka-successful na programang pinagbidahan ng aking/ating pinakamamahal na Kapuso Star na si Marian Rivera na pinamagatang "ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG", meron agad binigay na lead role ang GMA Network kay Ms. Marian, at ito nga ang DARNA.

Nang unang pumutok ang balitang siya nga ang bagong DARNA, maraming nagulat, bagkus ay natuwa sa desisyon ng GMA. Dahil talaga namang deserving itong si Ate Marian sa role na iyon. Kumpirmado na rin na ang kanyang makakatambal at gaganap sa role na EDUARDO ay walang iba kundi si Mark Anthony Fernandez. Ang gaganap naman sa role na DING ay walang iba kundi si Robert "Buboy" Villar. Matatandaan natin na nagsama na rin si Ate Marian at Buboy sa iisang programa --- ang Dyesebel. Pumatok naman sa panlasa ng tao ang tandem nilang dalawa. Kaya naman malakas ang loob kong sabihin na magiging no.1 nanaman ang programang ito ng GMA --- ang Darna..

Napabalita rin na isa si Dingdong Dantes sa mga personal trainor ni Marian sa mga stunts at fight scenes nito sa Darna.

Sa tindig pa lamang ng ating bida, masasabi na natin agad na, "HUMANDA ANG TATAPAT SA DARNA"..hAhAhA.. pEace!!!

Basta mga kapwa ko Kapuso, abangan na lang po natin ang paglipad ng ating bagong Darna. Sa Agosto na po iyan..

I'M PROUD 2 BE KAPUSO!!♥♥♥

LOVE U ATE MARIAN.,....

Wednesday, May 20, 2009

Marian's Profile


Basic Info
Name: Marian Rivera
Nickname: Yan-yan
Birthday: August 12
Birth Place: Madrid, Spain
Showbiz Anniversary: January 1, 2005

Personal
Full Name: Marian Rivera Gracia

Claim to Fame:
Marian started ramp modeling and eventually ventured into TV commercials. Her first two were for Skin White and Sky Flakes.

Bet you didn’t know! Marian talks to her cars, and she believes they give her good luck!

Favorites
Marian’s hit list:
1. Her favorite funny movie is Harold and Kumar Go to White Castle!
2. She won dance competitions in school.
3. She used to have a pet Shi Tzu, but she had to give it away because she is allergic to dogs.
4. Her comfort food is anything chocolate.

Her most treasured item is a Sto. Niño ball that she brings with her at all times. It was given by her mother, and she considers it her lucky charm!

Star Trivia:
Marian named her two cars “Cariño” and “Amigo!”

Q & A
On the spot:

Why did you enter showbiz? “Actually, hindi ko inisip kahit kailan na magsho-showbiz ako, kasi alam kong sobrang hirap [dito]. Dumating na lang sa point na dinala lang ako ng kapalaran ko na dito ako dapat.”

What’s your biggest dream? “Sino ba naman ang hindi may gustong sobrang maayos ang buhay, di ba? At siguro napatunayan ko na sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa na hindi ako umaasa sa kung ano mang mayroon kami. Syempre lagi kong iniisip na lahat ng bagay, hindi forever. Kaya ako, gusto ko magkabahay ako at magka-business. Para kahit anong mangyari sa akin, may fallback ako.”

Who or what is your inspiration? “Yung mga taong nakapaligid sa akin na sobrang nagtitiwala sa akin at sobrang mahal ako. Na alam kong [masaya] sila kung saan man ako nandito ngayon.”

Describe yourself in three words. “Makulit, kalog, kaibigan.”

Dingdong's Profile...


Basic Info
Name: Dingdong Dantes
Nickname: Dong
Birthday: August 2
Birth Place: Manila
Showbiz Anniversary: January 1, 1998

Personal
Full name: Jose Sixto Gonzales Dantes III

Claim to fame:
He got "discovered"; he really wasn't planning on entering the industry.

Unforgettable moment:
He answers, "When I was given the chance to direct Kakabakaba because that is the one thing I really love to do aside from acting."

Favorites
Dingdong's hit list:
1. He likes playing basketball and Play Station.
2. His favorite expression is "Whooooo!"
3. He's a secret goth behind the cam!
4. He's a toy collector.
5. He loves super heroes.

His most treasured item is his his Batman costume (really).

Star Trivia:
Dingdong is afraid of rats!

Q & A
On the spot:

What do you value most?
"My family."

What do you want to achieve?
"More success in life."

What is your advice to aspiring artists?
"Love your work."

Marian Rivera reveals the name of her "boyfriend" at John Lapus's Sweet 16 show

Usap-usapan ang guesting ni Marian Rivera sa Sweet 16 show ni John Lapus na naganap noong May 16 sa Teatrino, Greenhills. Sa nangyaring palitan nila ng dialogue ni Sweet, may isang linya ang Kapuso actress na naging dahilan upang maghiyawan ang mga manonood.

Ang bungad ni Marian pagkatapos ng kanyang portion, "Nakakatuwa, kasi kanina, nag-rehearse kami pero hindi ganun, so, iba talaga 'pag mga show na ganito."

Ang tinutukoy ni Marian ay ang naging palitan nila ng hirit ni Sweet sa isang segment, kung saan tinawag siya na impostor ng PEP blogger. Bawat bagay na gawin at banggitin ni Marian ay kinokontra ni Sweet at sinasabihan niya itong siya ang totoong Marian Rivera.

Ang huling tinuran ng host-comedian, siya raw, ang pangalan ng boyfriend niya ay Dingdong Dantes.

E, ikaw, sino?

Pero sa halip na gayahin ang sagot ni Sweet, ang sinabi ni Marian ay, "Ako, ang pangalan ng boyfriend ko, Jose Sixto Dantes III."

Siyempre, umani ang hirit na iyon ni Marian ng katatawanan at kilig mula sa ilang fans na nanood. Ang pangalang binanggit niya kasi ay ang real name ni Dingdong.

The question is, dapat bang seryosohin ng mga nanood ang sinabi niya or part of the script lang talaga?

"Actually, wala akong dapat ipaliwanag kasi, nandito ako para paligayahin ang lahat," ang nakangiting sabi ni Marian. "Ang misyon lang naman namin ni Sweet ay mapaligaya namin ang manonood. Kaya naman ako nandito para masuportahan si Sweet at mapaligaya ang mga manoood."

Nilinaw din ni Marian na yung concept ay ipinaalam naman daw ni Sweet sa manager niyang si Popoy Caritativo at parang thank you na rin daw niya ito kay Sweet.

Aniya, "Alam kong mahalaga ang araw na ito para sa kanya. Kaya thank you kay Sweet dahil inimbita niya ko rito at thank you rin dahil kapag may intriga sa akin, unang-una ka rin na sumusuporta sa akin. Basta, makakaasa ka na nandito rin ako para sa 'yo."

Samantala, ilang araw na rin may sakit si Dingdong, nadalaw na ba niya ito?

"Oo naman, siyempre, hindi puwedeng hindi. At saka, wala namang masamang rason kung dalawin ko siya bilang may sakit naman siya. I'm sure, kapag nagkasakit ako, dadalawin din naman niya ako," ang maikling paliwanag ni Marian.

♥♥♥♥

Dingdong Dantes: Bench body


Galing ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ni Sharon Cuneta sa Santan Room ng EDSA Shangri-La nang makita si Dingdong Dantes na kausap si Ogie Diaz. Nakisali na rin ang PEP sa usapan ng dalawa at nalamang magwu-workout si Dingdong sa gym ng nasabing hotel.

Naka-puruntong shorts, polo, flip-flops at naka-cap si Dingdong, pero pinagtinginan pa rin siya ng tao. Sabi ng actor, hindi pa siya masyadong magaling sa flu, pero kailangan niyang mag-work out bilang paghahanda sa taping ng Stairway to Heaven na sa tantiya niya ay last week ng July magsisimula.

May director at leading lady na ba siya?

"Ang alam ko may napili nang director, pero ayaw pa yatang ipaalam. Sa leading lady, wala pa rin akong alam. Ipinakita sa akin ang short list ng pinagpipilian at okay naman silang lahat, ang management pa rin ang pipili at magde-decide. Sa akin, welcome kahit sino ang ipareha sa akin at alam ko namang babagay sa character ni Jodi," sagot ni Dingdong.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Dingdong kung sino ang mga kasali sa short list na ipinakita sa kanya, basta lahat ay magagaling. Hindi pa rin daw sigurado ang controversial actress na sabi'y siyang makaka-pareha niya. Maghintay na lang daw tayo sa announcement.

Dingdong & Marian Pictures..










































Ang aking idolo na si MARIAN RIVERA...

She's everywhere -- billboards, TV, silverscreen...
and now, on the cover of MEGA's Spring Fashion issue!
Marian Rivera shows off the season's key prints..

Malayo na talaga ang narating ni Ate Marian...nag-umpisa sa Sky Flakes commercial at naging sunod - sunod na ang kanyang mga projects... Commercials, Shows, Guestings..
Kung hindi ako nagkakamali, ang kanyang unang show sa GMA 7 na kung saan siya ang bida ay ang "MULI" ang pangalan niya doon ay RAQUEL..at ang kanyang katambal ay walang iba kung hindi si ALFRED VARGAS.. ito ay napanood noon sa dramarama sa hapon...
Sumunod naman ang "SUPER TWINS"..Siya ang gumanap na ina ng mga SUPER TWINS, cla SHA-SHA (Jennylyn Mercado) at TIN-TIN (Nadine Samonte)..
Marami pang mga naging shows etong c Ate Marian, pero ang pinaka tumatak sa isipan ng lahat ng tao, ay ang pagganap niya sa lead role na MARIMAR....ang kanyang katambal d2 ay walang iba kundi c MR.DINGDONG DANTES..na gumanap bilang SERGIO..
Marami ring Kapuso Stars ang sumubok sa role na ito.. kabilang na rito cna Rhian Ramos, Camille Pratts,Jennylyn Mercado,Jewel Mische,Nadine Samonte,Bianca King,Ryza Cenon,Cheska Garcia,Nancy Castiliogne,Pauleen Luna,LJ Reyes at Katrina Halili na siyang gumanap bilang Angelica, ang mortal na kaaway ni Marimar at kaagaw niya sa puso ni Sergio..
Well,naging napaka succesful naman nang nasabing show..at take note!. bongga pa ang kasal nina Marimar at Sergio,kung hindi mo nga lang iisipin na isa lamang itong programa sa telebisyon,aakalain mong totoong - totoo iyon..dahil marami talagang mga Kapuso Stars ang nagsidalo...
At pagkatapos ng MARIMAR, meron agad sumunod na project cla Ate Yan and Kuya Dong.. at iyon nga ang DYESEBEL.. na kung saan c Ate Yan ay gumanap bilang DYESEBEL/ISABEL at c Kuya Dong naman ay Fredo..ang gumanap naman na kontrabida dito ay si Bianca King (BETTY)..
Naging matagumpay din ang Dyesebel katulad ng Marimar..Kaya naman meron agad sumunod na break sa kanilang dalawa.. "ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG"..
Pumatok sa panlasa ng mga mamamayang Pilipino sina Proserfina (Marian) at Homer (Dingdong)...Kaya naman hindi na kataka-taka kung maging no.1 din ito..
...Hindi pa man natatapos ang nasabing palabas, meron na agad su2nod na projects ang dalawa.. pero hindi na silang dalawa ang magkatambal..
Ang bagong show na aabangan kay Ate Yan ay Darna.. at kay Kuya Dong naman ay ang pinoy adaptation ng Stairway to Heaven, na kung saan gagampanan niya ang role ni Cholo..

Sana po suportahan pa rin nating silang dalawa kahit na hindi na sila magkatambal..
Maraming salamat po....