Wednesday, May 20, 2009

Ang aking idolo na si MARIAN RIVERA...

She's everywhere -- billboards, TV, silverscreen...
and now, on the cover of MEGA's Spring Fashion issue!
Marian Rivera shows off the season's key prints..

Malayo na talaga ang narating ni Ate Marian...nag-umpisa sa Sky Flakes commercial at naging sunod - sunod na ang kanyang mga projects... Commercials, Shows, Guestings..
Kung hindi ako nagkakamali, ang kanyang unang show sa GMA 7 na kung saan siya ang bida ay ang "MULI" ang pangalan niya doon ay RAQUEL..at ang kanyang katambal ay walang iba kung hindi si ALFRED VARGAS.. ito ay napanood noon sa dramarama sa hapon...
Sumunod naman ang "SUPER TWINS"..Siya ang gumanap na ina ng mga SUPER TWINS, cla SHA-SHA (Jennylyn Mercado) at TIN-TIN (Nadine Samonte)..
Marami pang mga naging shows etong c Ate Marian, pero ang pinaka tumatak sa isipan ng lahat ng tao, ay ang pagganap niya sa lead role na MARIMAR....ang kanyang katambal d2 ay walang iba kundi c MR.DINGDONG DANTES..na gumanap bilang SERGIO..
Marami ring Kapuso Stars ang sumubok sa role na ito.. kabilang na rito cna Rhian Ramos, Camille Pratts,Jennylyn Mercado,Jewel Mische,Nadine Samonte,Bianca King,Ryza Cenon,Cheska Garcia,Nancy Castiliogne,Pauleen Luna,LJ Reyes at Katrina Halili na siyang gumanap bilang Angelica, ang mortal na kaaway ni Marimar at kaagaw niya sa puso ni Sergio..
Well,naging napaka succesful naman nang nasabing show..at take note!. bongga pa ang kasal nina Marimar at Sergio,kung hindi mo nga lang iisipin na isa lamang itong programa sa telebisyon,aakalain mong totoong - totoo iyon..dahil marami talagang mga Kapuso Stars ang nagsidalo...
At pagkatapos ng MARIMAR, meron agad sumunod na project cla Ate Yan and Kuya Dong.. at iyon nga ang DYESEBEL.. na kung saan c Ate Yan ay gumanap bilang DYESEBEL/ISABEL at c Kuya Dong naman ay Fredo..ang gumanap naman na kontrabida dito ay si Bianca King (BETTY)..
Naging matagumpay din ang Dyesebel katulad ng Marimar..Kaya naman meron agad sumunod na break sa kanilang dalawa.. "ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG"..
Pumatok sa panlasa ng mga mamamayang Pilipino sina Proserfina (Marian) at Homer (Dingdong)...Kaya naman hindi na kataka-taka kung maging no.1 din ito..
...Hindi pa man natatapos ang nasabing palabas, meron na agad su2nod na projects ang dalawa.. pero hindi na silang dalawa ang magkatambal..
Ang bagong show na aabangan kay Ate Yan ay Darna.. at kay Kuya Dong naman ay ang pinoy adaptation ng Stairway to Heaven, na kung saan gagampanan niya ang role ni Cholo..

Sana po suportahan pa rin nating silang dalawa kahit na hindi na sila magkatambal..
Maraming salamat po....

1 comment:

  1. ...hi eBliBadi!!

    ..sNa pUh mG-mEmbEr kAu d2 sAh bLog qUh..

    ..aNd aLwaYz lEavE a cOmMeNt..

    ..tHaNkZ pUh...

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.